Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dance show ni Marian, semplang sa rating (Ismol Family, ‘di rin umubra sa Wansapanataym)

071114 marian carla ryan
ni James Ty III

MAY mga narinig kaming feedback na hindi maganda ang programang Marian ni Marian Rivera na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA.

Ayon sa aming nasagap na balita, single digits lang ang rating ng show ni Marian dahil nahihirapan ito sa kalaban na The Voice Kids ng ABS-CBN.

Sa aming panonood ng show ni Marian, halatang gaya-gaya ito sa Sunday All-Stars na semplang din sa rating tuwing Linggo kalaban ang ASAP ng ABS-CBN.

In fairness, magaling sumayaw si Marian at maganda ang konsepto ng programa pero ang problema ay hindi na uso ang mga variety show sa primetime.

Ganito rin ang problema ni Sarah Geronimo nang sandali lang ang itinagal ng kanyang Sarah G Live sa Dos noon.

Samantala, narinig din naming na hindi umuubra ang bagong sitcom ng GMA na Ismol Family nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana kalaban ang Wansapanataym ng Dos.

Inilipat ng Siete ang Vampire ang Daddy Ko ni Vic Sotto sa Linggo kalaban ang Goin Bulilit ng Dos habang ang Who Wants to be a Millionaire ni Bossing ay nalipat 8:00 p.m. sa TV5 naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …