Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita patay sa ka-eyeball na gadget buyer (Nag-post sa Sulit.com, 2 buwan nawala)

071114_FRONT

SA punerarya na sa Caloocan City natagpuan ang 19-anyos dalagita makaraan ang dalawang buwan nang magpaalam sa ina upang makipagkita sa customer na bibili ng gadgets na ini-post niya sa Sulit.com.

Kinilala ang biktimang si Angelie Bernardo, ng Brgy. Coloong, Valenzuela City, pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng hindi nakilalang suspek na customer ng dalagita sa ibinibentang gadgets.

Salaysay ng ina ng biktima na si Maribel Timbal, dalawang buwan na ang nakalilipas nang magpaalam sa kanya ang anak upang makipagkita sa isang customer tungkol sa gadgets na ibinibenta gamit ang social networking site na Sulit.com.

Mula noon ay hindi na nagparamdam ang biktima dahilan upang ipagbigay-alam sa pulisya ang pagkawala ngunit natagpuan ng mga kaanak sa Jade Funeral Homes sa Camarin, Caloocan City

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang nakahubad na bangkay ng biktima sa isang madamong lugar sa Brgy. 171, Camarin noon pang Mayo 18 at dinala sa nasabing punerarya dahil walang mapagka-kakilanlan hanggang matagpuan ng kanyang mga kaanak.

Hinala ng mga awtoridad, hinalay muna ang biktima bago pinatay at itinapon sa nasabing lugar upang iligaw ang imbestigasyon.

ni ROMMEL SALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …