Tuesday , November 5 2024

Bala ng M79 sumambulat 2 patay, 4 grabe

DALAWA ang kompirmadong patay at apat ang sugatan sa pagsabog ng bala ng M79 Upper Lumasal, Maasim, Sarangani Province kamakalawa.

Kinilala ni Eden Alcala, midwife ng Maasim Municipal hospital, ang dalawang namatay na sina Rolando Tamuay, 32, at Jenny Dula, 36.

Nagkalasog-lasog ang katawan ng mga biktima dahil sa lakas ng pagsabog.

Nabatid na naglilinis ng farm si Tamuay nang makita niya ang bala ng M79 at dinala sa kanyang bahay.

Nilinis ni Tamuay ang bala at ibinilad sa araw dahil planong ipagbili sa junkshop ngunit biglang sumabog.

Nasugatan din sa ulo sa nasabing insidente ang asawa ni Tamuay na si Laila, tatlong buwan buntis; Dinah Abey, 32, nagkasugat sa paa at kamay; Maming Cabelol, 55; at ang 4-anyos na si Jinky, pawang nilalapatan ng lunas sa General Santos City Hospital.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *