Tuesday , November 5 2024

Altas target ang unahan (Kontra Aguinaldo)

SISIKAPIN ng Perpetual Help Altas na makaagapay sa unahan ang nagtatanggol na kampeong San Beda Red Lions sa pagtutuos nila ng Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa unang senior division game sa ganap na 2 pm ay pipilitin ng San Sebastian  Stags na makabalik sa win column kontra College of St. Benilde Blazers.

Sinimulan ng Altas ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng matinding 91-57 panalo kontra sa nangungulelat na Mapua Cardinals. Matapos iyon ay naungusan nila ang SSC Stags, 82-79.

Tinalo ng Generals ang Blazers, 81-72 sa una nlang laro subalit nadiskaril kontra Arellano Chiefs, 80-73 noong  Lunes.

Main man ng Perpetual Help ang high-flying guard na si Earl Scottie Thompson na sa unang dalawang games ay nag-average ng 26.5 puntos.  Ang sophomore na si Juneric Baloria at mayroon namang 22 puntos kada laro.

Ang iba pang inaasahan ni coach Aric del Rosario ay sina Harold Arboleda, Justin Alano at Joel Jolangcob.

Ang Generals ni coach Gerald Esplana ay pinamumunuan ni dating Mythical Five member Cedric Happi Noube na may average na 14.5 puntos sa dalawang laro. Sinusuportahan siya nina Jan Jamon, Marco Tayongtong at Igee King.

Bago pinayuko ng Altas, ang Stags ni coach Topex Robinson ay nagwagi laban sa Letran Knights ((85-83) at Jose Rizal Heavy Bombers (88-81).

Ang Blazers ni coach Gabby Velasco ay wala pang panalo sa dalawang laro. Matapos matalo sa Generals ay yumuko din ang Blazers sa Heavy Bombers, 69-61.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *