Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, iginiit na may Mafia sa showbiz (May mga bayarang mahihirap daw para siraan siya)

 

ni Alex Brosas

UMARAY si Ai Ai delas Alas when a guy on Twitter called her sawsawera.

Nagbigay ng kanyang opinion ang Concert Comedy Queen sa issue nina Kris Aquino at Vilma Santos tungkol sa grammatical errors ng letter ng huli sa una.

Ai Ai explained na hindi siya nakisawsaw sa issue as alleged by one follower dahil natanong siya kaya sumagot siya.

Pero ang amusing para sa amin ay ang dayalog niyang may karapatan siyang mag-react sa issue dahil artista siya.

Kaloka ang kanyang logic, ha.

The comedienne  also drop hints na may bayarang tao sa social media ang inutusan para i-bash siya. According to her, may Mafia sa showbiz. Hindi raw afford ng mahihirap ang computer and android phones kaya ang feeling niya ay mayroong binabayarang mga tao para sirain siya sa internet. Idinagdag pa niya na since may work ang mga mayayaman at  busy sila ay wala silang panahon para manira. Ang mga hindi busy, ang mga bayaran ang sinasabi niyang naninira sa kanya.

At paano naman niya mapatutunayan na may binayarang tao para i-bash siya sa social media? Mahirap patunayan ‘yan, ha.

Teka, bakit tila hindi siya natuto sa idol niyang si Vilma na nang binash ng mga tao ay super sweet pa ring inamin ang kanyang kakulangan sa English? Akala ko ba idol mo siya, bakit hindi mo siya ginawang magandang ehemplo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …