Saturday , November 23 2024

14-anyos tigok sa pukpok ng kalaro (Dahil sa tsinelas)

LEGAZPI CITY – Patay ang isang 14-anyos binatilyo makaraan pukpukin ng bato sa batok ng kanyang kalaro dahil sa nawawalang tsinelas sa nabanggit na lungsod kamakalawa.

Ayon sa ina na si Te-resita Toledo, lumabas ang kanyang anak na si Angelo kasama ang mga kaibigan nang makita ang suspek na naglalaro sa isang parke sa bahagi ng Brgy. Bañadero.

Nagkapikonan ang mga binatilyo nang pagbintangan ng suspek ang biktima na nagtago ng tsinelas kaya pilit na pinaaamin.

Bunsod nito, hinamon ng biktima ang suspek na magsuntukan ngunit tumanggi ang salarin.

Pagtalikod ng biktima, dumampot ng bato ang suspek at pinukpok sa batok ang binatilyo. Nang matumba ang biktima ay dali-daling bumangon at nagpahatid sa ospital.

Dalawang araw rin nanatili sa isang pampublikong pagamutan bago nailipat sa pribadong ospital ang biktima at isinailalim sa CT-scan ngunit na-comatose.

Sinasabing internal hemorrhage ang posib-leng ikinamatay ng binatilyo.

Nananatili sa kos-tudiya ng Women and Children’s Protection Desk ang menor de edad na suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *