Tuesday , November 5 2024

Thompson NCAA Player of the Week

HALIMAW sa opensa si Earl Scottie Thompson sa kanyang dalawang laro kaya naman nasa tuktok ngayon ng team standing ang Perpetual Help Altas sa 90th NCAA basketball tournament na ginaganap sa The Arena sa San Juan City.

Ang pambato ng Digos, Davao del Sur na si Thompson ay nag-average ng 26.5 points na may 21-of-32 sa shooting kasama ang 10 rebounds, 4.5 assists, 1.5 steals para kaldagin ang Mapua Cardinals at San Sebastian College Stags.

Dahil sa ipinakita nitong tikas sa unang dalawang laro ng Perpetual ay tinanghal siyang ACCEL Quantum Plus-316 NCAA Press Corps Player of the Week.

“That kid is a hardworker on and off the court. I’m happy that he is doing well,” wika ni Perpetual Help mentor Aric del Rosario sa 21-year-old na si Thompson in Filipino.

Para kay Thompson ay bumabawi lang ito para sa kanyang team.

“I came from injury last year when I returned so I couldn’t contribute that much. Now that I’m in full strength, I’m trying to help the team as much as I can,” ani Thompson.

Umibabaw si Thompson sa nasabing citation kay teammates Harold Arboleda at Juneric Baloria at Ola Adeogun at Baser Amer ng San Beda College Red Lions.

Kasalo ng Altas sa unahan ang five-peat seeking Red Lions at Arellano University Chiefs hawak ang tig 2-0 record.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *