Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol pinugutan ng baliw na ama (Ina sugatan, Suspek utas sa parak)

071014_FRONT

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang buwan gulang na sanggol makaraan tagain ng sariling ama sa Brgy. I.S. Cruz, Jasaan, Misamis Oriental kamakalawa..

Napag-alaman, halos humiwalay ang ulo ng sanggol na si Ian James makaraan tagain ng ama na si Isidro Labadan na may karamdaman sa pag-iisip.

Inihayag ni Senior Insp. Esperejun Viado, hepe ng Jasaan Police Station, tinangka ng ina ng biktima na si Ybone Labadan na pigilan ang suspek ngunit maging siya ay tinaga sa ulo.

Inihayag ng opisyal na kanilang nasalubong sa daan ang ina ng bata na duguan kaya agad nilang isinugod sa Jasaan District Hospital.

Tinangka ng pulisya na pasukuin ang suspek ngunit binaril niya ang mga pulis kaya napilitan silang mag-return fire dahilan upang tamaan sa mukha at agad binawian ng buhay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen ay madalas na nagwawala ang suspek at isinisigaw na hindi niya alam kung saan kukuha ng pera para sa pagpapaaral sa mga anak hanggang sa pagtatagain ang anak na si Ian James.

Nakuha sa crime scene ang itak na ginamit ng suspek sa pagtaga kanyang mag-ina at narekober din ng pulisya ang .38 caliber pistol at dalawang homemade shot guns.

ni BETH JULIAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …