ni Roldan Castro
NAKAKALOKA ang mga basher ni Governor Vilma Santos. Feeling matatalino, perpekto at ginagawang big deal ang isang maling spelling at maliit na bagay. Gawin bang big deal ng mga hinayupak na ‘yan. Hindi ba sila nagkakamali? Lagi ba silang perfect? Mas ini-enjoy niyo at pinapansin ang pagkakamali niya pero hindi niyo nakikita ‘yung sincerity at pagiging thoughtful ni Gov. Vi.
Kung si Regine Velasquez nga ultimong spelling niya sa Tagalog ‘pag nagti-tweet ay may mali minsan ay pinalalampas na dahil sabi niya may sakit siyang dyslexia, huh! Eh, kung sabihin din ng kampo ni Ate Vi na may dyslexia, ‘di tameme na ang beauty niyo, huh!
Anyway, mas lalong pinataas ni Gov. Vi ang paghanga at pagrespeto namin sa kanya dahil sa attitude niya sa isyu. Hindi naman kasi nakababawas sa dignidad niya at pagkatao niya bilang mahusay na aktres, epektibong public servant at bilang isang mabuting tao.
Text nga ni Gov. Vi kay Kris Aquino na pasimuno ng lahat dahil sa pag-post niya saInstagram, ”Tao lang… nagkakamali. Sa mga basher…salamat po…Again, thanks for believing in me. Until next time…”
‘Yun na ‘yun!