Tuesday , November 5 2024

PacMan vs Algieri

PORMAL na naghain ng offer si Bob Arum ng Top Rank kay Long Island’s Chris Algieri para harapin si Manny Pacquiao sa November 22 sa Macao, China.

Ang balitang iyon ay kinompirma ng Daily News.

Dagdag pa ng Daily News na nagkaroon na ng pag-uusap ang Top Rank at promoter ni Algieri na si Joe DeGuardia. Itong darating na mga araw ay posibleng maikasa ang laban.

“We have a Pacquiao offer on the table and we are negotiating that actually as we speak,” pahayag ni DeGuardia sa phone interview noong Tuesday afternoon. “And I expect that we’re going to have a resolution within the next day or two.”

Hindi dinitalye ni DeGuardia ang offer pero pahapyaw na sinabi niya na ito’y “seven figures.”

Si Algieri ay nangangampanya sa lightweight division at may impresibong ring record na 20-0, 8 knockouts.

Inaasahan na makikipag-usap muli si Arum kay DeGuardia sa Miyerkoles.

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *