Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lineup ng NLEX aayusin na ngayong Linggo

MAGPUPULONG sa Biyernes ang buong management team ng North Luzon Expressway (NLEX) tungkol sa koponang ibabandera nito sa darating na ika-40 season ng Philippine Basketball Association na magsisimula sa Oktubre.

Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon sa Shakey’s Malate, sinabi ng consultant ng NLEX na si Allan Gregorio na sa ngayon, tatlong manlalaro lang ang siguradong kukunin ng Road Warriors mula sa Air21 pagkatapos na bilhin nito ang prangkisa ng Express noong isang linggo.

Sa ngayon ay tumutulong si Gregorio sa pag-aayos ng lineup ng NLEX dahil sa kanyang pagiging consultant ng Air21 ngunit umaasa siya na makakasama siya sa management team ng Road Warriors dahil sa kanyang pagtulong sa kanila noong naglalaro pa sila sa PBA D League.

Hindi pa rin sigurado si Gregorio kung si Boyet Fernandez pa rin ang hahawak sa NLEX sa PBA dahil abala pa rin si Fernandez sa paghawak sa San Beda College sa NCAA.

“We will have to make coach Boyet choose between San Beda and NLEX,” dagdag ni Gregorio. “And we also hope to finalize negotiations with Asi (Taulava) soonest. Sana, we can arrange trades to get back our old players like Calvin Abueva and Chris Ellis, as well as the old Smart Gilas players pero mahirap iyon.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …