Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Salle team to beat (UAAP Preview)

SA PAGSISIMULA ng bagong season ng University Athletic Association of the Philippines ngayong Sabado, halos lahat ng mga coaches ng liga ang nagsasabing mahirap talunin ang defending champion na De La Salle University.

Wala kasing masyadong pagbabago ang lineup ng Green Archers maliban kay LA Revilla na nagpalista sa 2013 PBA rookie draft ngunit ibinangko lang siya ng Globalport.

Ngunit para kay La Salle coach Juno Sauler, hindi niya iniintindihan ang mga sinasabi ng iba.

“In my humble opinion, I don’t focus too much on expectations and what the future is according to the opinions of others,” wika ni Sauler. “It’s day by day, we’re getting better every practice and performing every game, that’s what’s most important, more than the expectation.”

Muling sasandal si Sauler kina Jeron Teng, Norbert Torres, Arnold Van Opstal at Almond Vosotros samantalang pangungunahan ni Prince Rivero ng La Salle Greenhills ang mga baguhang sasabak sa La Salle ngayong taong ito.

Magiging malaking hadlang para sa La Salle ang University of Santo Tomas dahil nandoon pa rin sina Kevin Ferrer, Karim Abdul at Aljon Mariano kahit bago na ang coach ng Tigers na si Bong de la Cruz.

Ilang mga pamantasang kasali sa UAAP ay nagbago rin ng anyo tulad ng Far Eastern University na nawalan ng kanilang mga pambatong sina Terrence Romeo at RR Garcia samantalang wala na rin si Bobby Ray Parks para sa National University.

Sisikapin ng dating five-time champion Ateneo de Manila na makabawi ngayong taong ito pagkatapos na hindi umabot ang Eagles sa Final Four noong isang taon.

Maraming mga rookies ang nakuha ng Ateneo upang tulungan si Kiefer Ravena sa pangunguna ng kanyang kapatid na si Thirdy. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …