ni Alex Brosas
OFFENDED yata itong si Dingdong Dantes nang masulat ni Noel Ferrer na luma ang dating ng dance show ni Marian Rivera.
Tila naimbiyerna si Dingdong sa nasulat na review kaya naman tinawagan daw niya ito para alamin kung siya nga ang sumulat. Inamin naman daw ito ni Noel.
Bakit affected much yata si Dingdong sa negative review ni Noel, eh, nagsasabi lang naman ng totoo ang writer. Bukod sa luma, hindi nagre-rate ang dance show ni Marian. One digit lang palagi ang rating nito, bagay na nakahihiya dahil naturingan siyang Primetime Queen of GMA-7 pero flop naman ang kanyang shows.
Actually, pagsasayang lang ng oras ang panonood ng dance show ni Marian dahil walang kuwenta.
Ano ba ang gusto ni Dingdong, parating magaganda ang review sa show ng girlfriend niya kahit chaka naman talaga ang programa nito?