Saturday , November 23 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 27)

PUMASOK NA SA BAGONG CHAPTER NG KANYANG BUHAY SI LUCKY BOY

Naging mahigpit na kalaban ni Kag. Dodong sa tina-target na pwesto ang aming tserman na muling tatakbo para sa ikatlong termino. Maka-tutunggali ko naman sa SK ang anak niyang si Marlon, popular sa aming barangay dahil matalino raw at malakas ang karisma kuno sa mga chikababes. “Kaya naman dinudumog ng tao ang mag-ama kahit saan sila magpa-caucus,” ang bali-balitang nakararating sa akin.

Sabi ng isang babae na nag-boadcast sa kam-po namin ni Kag. Dodong, bukod umano sa packed-lunch na ipinapakain ng mag-ama sa mga supporter ay nagpapaulan din daw ng pera. At ibinulong din sa amin na “‘sangrekwang volunteer poll watcher ang binigyan ng paunang limang daang piso” ng aming kalaban. Sa mismong araw daw ng botohan ay may pasunod pa iyon na panibagong limang daang piso. Dehadong-dehado kami ni Kag. Dodong sa laban. Nabalewala ang mga political gimmick namin na free medical and dental mission, feeding program, libreng gupit ng buhok at pama-mahagi ng mga relief goods ‘wag lang ‘di pumatak ang ulan o dumaan na bagyo.

Nang mapalaot ako sa politika ay naranasan ko ang magkaroon nang todo-todong tensi-yon. Para bang nakaamba sa akin ang sinasabing “tabak ni Damocles.” Gano’n pala ang pakiramdam ng isang kandidato lalo’t labis ang takot na maging isang “manok na talunan.”

Nagkita-kita sa bahay namin ang mga kapa-tid ni erpat na sina Tito Mar, Tito Leo at Tito Berting. Nangako silang tatlo na tutulong sa aking kandidatura para maipanalo ang laban ko sa pagka-SK chairman. Sabi nga ni Tito Mar, pa-nganay sa mga magkakapatid na lalaki kina erpat, “ang kirot ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Iyon ang tunay na dahilan ng pagkakaisa ng aking mga tiyuhin. Kasi nga ay nakataya raw sa laban ko ang pangalan ng aming angkan.

Nagpagawa ang tatlong tiyuhin ko ng mga t-shirt na tinatakan ng hugis-puso na kulay pula na nagsasabing “Mahal ko kayo kaya ako ang iboto ninyo.” Nakabandera siyempre roon ang pangalan ko. Ipinamahagi namin ‘yun sa aking mga tagasuporta. Lagi nilang isinusuot iyon sa pagbabahay-bahay namin sa mga botante.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *