Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ni Jed Madela, ‘di sinuportahan ng Star Magic? (Ipinagpalit daw kasi ang Rak of Aegis)

062314 JED MADELA

ni Dominic Rea

HINDI sukat akalain ni Jed Madela na sa kabila ng tagumpay ng kanyang katatapos lang na All Requests concert last July 4 na ginanap sa Music Museum produced by M2D Productions ay babaha ang intriga sa kanya.

Kilala ko si Jed bilang isang tahimik na tao, mabait at napaka-professional sa kanyang karera. But this time, nagpadala ng kanyang official statement si Jed ukol sa pamba-bashed sa kanya na hindi raw siya sinuportahan ng kanyang Star Magic family sa katatapos na concert.

Instead daw kasi na sa kanyang concert manood at magbigay suporta ang Star Magic family ay sa Rock of Aegis daw nanood ang mga ito.

Bilang publicist ni Jed ay kaagad ko naman itong ipinarating sa kanya at kinuha ang kanyang opinyon.

“Hindi po totoo ‘yan! It’s not that my Star Magic family didn’t support me. They all just had prior commitments they had to attend to. It’s fine. They sent flowers and well wishes anyway. Though, medyo nalungkot lang ako kasi they never miss any of my shows but I understand,” aniya.

Nalulungkot umano ang World Champion dahil sa kabila ng ginagawa niyang pananahimik at ginagawang maganda, makabuluhan at kapuri-puri ang bawat konsiyerto, wala pa ring kontento ang ibang tao at patuloy siyang sinisiraan.

“Nakalulungkot lang talaga Kuya Dom isiping may mga taong pinipilit kang siraan kahit sa mga mismong kapamilya mo. What’s important is that the concert was a success and everybody had fun! Just so proud and happy sa dalawang standing ovation na natanggap ko that night. Siguro, roon pa lang, we should be all happy na lang,” giit pa ni Jed.

Funny lang talaga itong mga taong walang magawa sa kanilang buhay. Well hayaaan na lang natin ang ilang taong naging ugali nang manira at mang-intriga ng kapwa. Riyan sila masaya kaya gow lang ng gow mga intrigero! Basta ang alam ko ay nasa Amerika ang buong grupo ng GM Proponents para sa WCOPA kasama si Jed. Bago rin magtapos ang taong ito ay isang napakagandang album naman ang ilalabas ni Jed under the label of Star Records Music!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …