Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis ginulpi ng dyowa dahil sa tsismis

HALOS manghiram ng mukha sa aso ang isang buntis makaraan gawing punching bag ng selosong live-in partner na naapektohan ng tsismis ng kainoman sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Emelita Salilican, 35, ng 373 L. Santos St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.

Agad naaresto ang suspek na si Marvin Demanzana, 42, mangingisda at nahaharap sa kasong less serious physical injuries at grave threats in relation to R.A. 9262, nakapiit sa detention cell ng Navotas Police.

Batay sa ulat ni SPO1 Belany Dizon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas Police, dakong 5 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa.

Nakikipag-inoman ang suspek nang itsismis ng isa sa mga katagay na may nanliligaw sa biktima at lumalandi, naging dahilan upang magalit ang lasing na si Demanzana.

Salaysay ng biktima, nagulat na lamang siya nang sumugod ang galit na galit na suspek at siya ay binugbog.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …