Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, bukod tanging kumanta ng OST ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon

070514 Angeline Quinto
ni Dominic Rea

SABI ko nga, kiber ako sa trapik mapuntahan ko lang ang katatapos na OST (official sound track) launching ng super rate at inaabangang serye ngayon sa Kapamilya primetime na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Bea Alonzo. Pero ang bida ng gabing iyon ay hindi sina Bea at Paulo kundi ang nag-iisang hinahangaan kong female singer, ang nag-iisang Queen of Teleserye Themesong na si Angeline Quinto.

Pagpasok ko pa lang sa 19 East Bar & Grill ay kaagad kong nakita ang ibinebentang album ni Angeline at bumili ako aside pa roon sa ipinamigay ng Dreamscape, Cornerstone, at Star Music na CD huh! Fan na faney ang dating ko that night at wala akong pakialam sa ibang kasamahan sa panulat everytime na kumakanta na si Angie! Ang gaganda kasi ng mga ginawa niyang revivals sa album tulad ng Gusto Kita, Why Can’t It Be, Umiiyak Ang Puso, Someday, Wherever You Are, Hindi Ko Kaya, Muli, Forever lalo na ang main OST ng seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na kaya ko namang ibirit noh! Why not!

Anyways, pumunta na lang kayo sa 19 East Bar tuwing Huwebes to see Angeline performs live sa mga date na ito ngayong July 17 at 31. Sa Agosto naman mula 7, 14, at 21! This is the first time na iisang singer lang ang gumawa lahat ng kanta sa isang OST! Bongga ka talaga Angeline Quinto! In fairness naman kasi!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …