ni Nonie V. Nicasio
SPECIAL guest si Toni Gonzaga sa opening ng Cinema One Anniversary Film Festival na tinaguriang Libreng Sine Handog ng Cinema One.
Ginanap ito sa Cinema 7 ng Megamall last Saturday, July 5. Ito ay bahagi ng 20th anniversary celebration ng Cinema One.
Pinangunahan nina Toni at ng Cinema One head na si Ronald Arguelles ang ribbon-cutting bilang hudyat ng pagbubukas ng dalawang araw na event na nagsimula noong July 5 at nagtapos kahapon, July 6. Present din sa naturang okas-yon si Dimples Romana.
Kabilang sa participating SM Malls para sa selebrasyong ito ang SM Megamall Cinema 7, SM Southmall Cinema 2, SM North EDSA Cinema 5, at SM San Lazaro Cinema 4. Ang ilan sa mga pelikulang ipinalabas dito ang Starting Over Again, Bride for Rent, On The Job, Blue Bustamante, Melodrama Negra, Mater Dolorosa, Pagpag, Shift, Oro Plata Mata, Slumber Party, Baybayin, at Himala.
Ayon kay Toni, instrumento ang Cinema One sa pagbibigay ng entertainment sa maraming mahihilig manood ng pelikula na tulad niya. “Nagpapasalamat nga ako sa Cinema One, kasi, iyong mga pelikula na wala akong DVD, iyong mga pelikula kong iba ay napapanood ko iyon sa Cinema One.
And I’m very thankful, kasi, tuwing pinalalabas nila iyon ay nabibigyan nila ang mga taong hindi siya napanood, na masilip ang mga pelikulang nagawa natin noon. “Cinema One, mara-ming-maraming salamat sa twenty years na hindi n’yo kami iniwan.
Na lagi namin kayong kasamang nagpapasaya sa amin at sabay-sabay nating binabalikan ang mga napakagandang pelikulang Filipino,” pahayag ng aktres/singer/TV host.
Ipinahayag din ng versatile na aktres na mahilig talaga siyang manood ng mga pelikulang Filipino, partikular ang mga classic na comedy.
“Oo siyempre, dahil bilang isang artista ng sining ay hina-hangaan natin iyong mga napakahuhusay at napakagagandang mga pelikulang nagawa na noon at magpahanggang ngayon. “Mahilig talaga ako sa mga comedy e, lalong-lalo na iyong mga comedy noon. Nila Rene Requiestas, nila Chiquito… nila… iyong tandem nina Mang Dolphy at Panchito, nina Babalu… hanggang ngayon kapag napapanood ko ang mga re-runs niyon sa Cinema One ay tawang-tawa pa rin ako.
“Classic talaga ang mga comedy na iyon, ang mga pelikulang iyon,” saad niya. Sinabi rin ng Kapamilya actress ang kanyang kagalakan sa pagka-kapili sa kanila ni Piolo Pascual para kantahin ang theme song ng pasasalamat ng naturang cable channel.
Pinamagatang Laging Kasama, kinanta ito nina Toni at Piolo kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Ito’y mula sa musika ni Ria Osorio at lyrics ni Robert Labayen. “Siyempre we’re very thankful sa Cinema One for choosing me to be one of the ambassadors and of course, ‘yung isa sa umawit sa napakagandang theme song nila which was arranged by Mr. Gerard Salonga and a whole bunch of great artists that collaborated in coming up with a very nice theme song,” naka-ngiting tugon pa niya.
Dagdag ni Toni, “First time namin ni PJ na magkatrabaho sa isang ganito kagandang pro-yekto ng Cinema One na kaming dalawa iyong kumanta ng themesong. “So, ayun, we’re just really excited na naging bahagi kami ng selebrasyon.” Sa panig naman ni Ronald, nagpasalamat siya sa lahat ng tumatangkilik at sumusuporta sa Cinema One.
“Maraming salamat, we’re on our twentieth year. Maraming salamat to our partners sa Cinema One channel, Star Cinema, Regal Films, at sa lahat ng producers maraming salamat sa inyo at nakaabot kami ng twenty years sa Cinema One.
“Lastly, sa lahat ng filmma-kers at sa lahat ng manonood ng Cinema One, maraming salamat. Please continue your support to Cinema One.”