Tuesday , November 5 2024

Misis at lover tiklo sa motel (Ministro pinendeho)

070914_FRONT

KALABOSO ang misis at ang kanyang kalaguyo makaraan maaktohan ng mismong asawang abogado na magkapatong sa loob ng isang motel sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nagreklamong mister na si Atty. Abraham Constante Espejo, 51, isang ministro ng kilalang sekta, at residente ng Marikina City.

Habang ang mga inireklamo ay sina Marie Anntoinette Espejo alyas Bubbles, 42, at Ariel Gonzales, 50, isa rin kasamahan sa sekta ng nagreklamo at residente rin ng Marikina City.

Sa ulat, 9:30 p.m. nang maaktohan ang magkalaguyo sa Victoria Court hotel sa Hillcrest Drive, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.

Sa tulong ng ilang pulis at barangay ay pinasok ng abogado ang silid na kinaroroonan ng kanyang misis na tumakbo sa loob ng banyo habang nakipagsuntukan ang kalaguyo bago naposasan at nadala sa himpilan ng pulisya.

Nauna rito ay naghinala na si Espejo na may ginagawang kalokohan ang asawa kaya’t kumuha ng private detective para sundan ang mga kilos ng ginang hanggang masundan sa loob ng nasabing motel.

Ang dalawa ay kakasuhan ng adultery at concubinage sa piskalya.

ni MIKKO BAYLON

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *