Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Louise Delos Reyes iniintrigang buntis kay Aljur Abrenica (Mataba at bumilog raw kasi nang husto!)

ni Peter Ledesma

NOONG palabas pa ang flopsinang teleserye na :Kambal Sirena,” kapansin-pansin ang pananaba ni Louise delos Reyes. Sabi wala raw kasing control pagdating sa mga kinakain niya si Louise kaya nagkaroon na siya ng baba at mas lalo pa raw lumaki ang kanyang mga pata.

Ngayong walang bagong proyekto ang young actress at napahinga sa bahay, sabi mas lumobo pa ang katawan niya bagay na ginawan agad ng intriga ng ilan na buntis raw ang Kapuso young actress?

Patuloy na pinag-uusapan ang nasabing issue sa social media at ang itinuturong ama raw ng bata ang leading man ni Louise sa Kambal Sirena na si Aljur Abrenica na totoong naugnay sa kanya. Pero mabilis namang pinabulaanan ng kampo ng actress na hindi siya preggy at napagkamalan lang daw na nagdadalantao dahil mataba nga. Well sana hindi nga true na pregnant si Louise or else katapusan na ito ng kanyang career sa showbiz na so so pa nga lang.

Girl, wake-up gyud!

“IKAW LAMANG” AT “DYESEBEL” STARS PINAGKAGULUHAN NG LIBO-LIBONG FANS SA MARKET! MARKET!

Dinagsa ng libo-libong fans at TV viewers ang ginanap na back-to-back fans’ day ng dalawang top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” at “Dyesebel.” Umapaw ang saya, kilig, at musika sa Market! Market! Activity Center noong Sabado at Linggo (Hulyo 5 at 6) sa mga sorpresang inihanda ng “Ikaw Lamang” stars na sina Coco Martin at Julia Montes, at ng “Dye-sebel” love team nina Anne Curtis at Gerald Anderson.

Kasama nina Coco at Julia noong Sabado ang official soundtrack singers ng “Ikaw Lamang” na sina Juris at Marion Aunor, samantala kasama naman nina Anne at Gerald noong Linggo ang mga kaibi-gan ni Dyesebel (Anne) na sina Pinky Pusit at Karlo Kabayo. Ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” at pinakabagong TV adaptation ng Mars Ravelo classic na “Dyesebel” ay parehong obra na nilikha ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena sa “Dyesebel” at “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dye-sebel” at “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng Dreamscape sa Twitter.com/DreamscapePH at Instagram.com/dreamscapeph.

GRAND FINALS NG “LITTLE MISS PHILIPPINES MY MINI ME 2014” NGAYONG SABADO NA SA EB

After Aiza Seguerra and Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon etc., sino naman kaya sa mga cute little girls grand finalists ng “Little Miss Philippines My Mini Me 2014?” ang matutupad ang pangarap at susunod sa yapak ng mga nabanggit.

Ayon kay Dabarkads Ruby Rodriguez sa dami ng magaganda at talented na kabilang sa mga finalist, wala silang itulak-kabigin at sa palagay ni Ruby ay may isisilang na naman na bagong child wonder sa most prestigious talent search nilang ito on national television ng ilang dekada na.

Who will shine as the cutest and brightest among aspiring little misses? Aba’y abangan n’yo ‘yan ngayong Sabado sa Eat Bulaga.

Bukod sa crown ng magiging title holder ay tatanggap siya ng big cash prize na P200K at may chance pa na maging next Ryzza Mae. Malalaking pangalan sa showbiz ang inimbitahan ng Eat Bulaga para magsilbing judges sa pabulosang grand finals ng Little Miss Philippines My Mini Me.

Very-very exciting ito kaya watch kayo gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …