Tuesday , November 5 2024

22 Pinoys nakapila sa death row sa China (198 kulong sa droga)

AABOT sa 220 overseas Filipino workers (OFW) ang nakakulong sa bansang China dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ito ang pagkompirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, karamihan sa mga OFW ay kababaihan na may kabuuang bilang na 161 habang 59 ang kalalakihan.

Sa nasabing bilang ay 22 ang nahatulan ng bitay, 12 ang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, habang 144 ang nahatulan ng fixed term o mabibilanggo ng 10 taon o higit pa.

Ang mga OFW ay sinasabing mga biktima ng druglords at ginagamit silang drug mule o courier.

Sa ngayon, aabot pa sa 12 ang nakabinbing kaso laban sa mga Filipino na nakakulong sa ibang bansa. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *