Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shows na katapat ng Walang Tulugan ni Kuya Germs, nawala nang lahat

ni ROMMEL PLACENTE

BUKOD sa pagiging co-host ng kanyang uncle na si German Moreno sa Walang Tulugan With The Master Showman na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA 7 ay resident host din si John Nite sa Resorts World sa mga event nito.

“Mayroon silang isang department na binubuhay which is Cash Binggo. Kasi alam mo naman ang Resorts World maraming ginagawa, ‘di ba? May New Performing Arts, mayroong mall. Pero ang baby nila ngayon ‘yung Cash Binggo. Ako ‘yung host doon. Medyo matatali ako roon kasi everyday ako roon from 3:00 to 5:30 in the afternoon. Plus kung may mga event sila then I get to host that too,” sabi ni John.

Eighteen years nang tumatakbo sa ere ang Walang Tulugan with the Master Showman. Ayon kay John hindi raw nila inaasahan na tatagal ng maraming taon sa ere ang kanilang show .

“Hindi namin napansin na nagising kami, 18 years na pala ‘yung ‘Walang Tulugan’. Nag-uusap nga kami ni kuya Germs, eh. Napapag-usapan namin ‘yung sinasabi sa amin noon na mahihirapan daw kaming tapatan ‘yung ganoong show, ‘yung ganyang show. Pero hindi naman sa pagmamayabang, lahat naman ng tinapatan namin nag-disappear ng lahat. Kami nandito pa rin,” buong pagmamalaki pang sabi ni John.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …