TINIYAK ni Secretary Francis “Kiko” Pangilinan, presidential assistant on food security and agricultural modernization, hindi lamang sa bahagi ng Luzon ang focus ng kanilang kampanya laban sa rice hoarders.
Ayon kay Pangilinan, susunod na rin nilang sasalakayin ang operasyon mg rice hoarder sa Visayas at Mindanao.
Ang hakbang ng tangapan ng kalihim, National Food Authority (NFA) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ay kasunod ng tatlong operasyon na nakompiska ang 4,000 metriko tonelada ng mga bigas na illegal na nire-repack at inihahalo sa commercial rice.
Ayon kay Pangilinan, hindi ningas cogon ang kanilang trabaho, at ang mga nakompiska ay isasalang sa proseso habang ang mga nasa likod ay kakasuhan.
Aminado rin siyang mayroong mga NFA official ang nakikipagsabwatan sa mga traders, bogus na korporasyon at farmers groups para sa illegal na gawain.
Inihalimbawa niya ang raid sa Muntinlupa City sa isang warehouse nakompiska ang 15,000 bags na illegal rice, na ilang hakbang lamang sa NFA warehouse.
Dahil ditto, pinagpapaliwanag na ang hepe ng NFA-National Capital Region kung bakit ito nangyayari.