ni Ronnie Carrasco III
ISANG direktiba ang ibinaba sa isang TV show na huwag interbyuhin nito ang isang hunk actor, or else ay hindi raw nito sisiputin ang lingguhang programang kanyang kinabibilangan.
Kung tutuusin, care ba ng TV show ang panakot na ‘yon ng aktor gayong hindi naman ito maaapektuhan? At kung itutuloy ba ng aktor na ‘yon ang bantang hindi sisipot sa weekly show, maganda sana kung aalagwa ito sa ratings.
Ano’t anoman ang dahilan ng kanyang pagkadesmaya sa TV show, one thing is clear: ang hunk actor kasing ‘yon ang tipo ng artistang hitsura at pangangatawan lang ang puhunan sa showbiz.
Not even acting dahil bano pa rin siyang umarte. At kapag isinasalang sa mga interview ay lumilitaw lang ang kabobohan ng aktor na itago na lang natin sa pangalang Hal Harmonica.