Saturday , November 23 2024

DAP projects walang paper trail?

070814_FRONT
MALABO pang malaman ng publiko kung talagang may nakinabang sa mga proyektong tinustusan ng multi-bilyong pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) dahil mismong Palasyo ay wala pang kopya ng listahan nito.

“We will inquire from DBM if those—if we have the list, the funding of those projects, and if we can outline and release it to the public. We do not have a copy of those projects’ sabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang tanungin kung pwedeng ilabas ng Malacanang ang listahan ng DAP-funded projects.

Ayon pa kay Lacierda, kailangan pang ikonsulta kay Pangulong Benigno Aquino kung papayagan na dumalo si Budget Secretary Florencio Abad sa isasagawang “Question Hour” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa DAP.

“I think if you look at the actuations of the administration, we have always been forthright with our appearances. But, again, when you speak of specific statements, specific appearances, again, that has to go through… Each and every appearance by the member of the Cabinet has always been asked from the President. So we’ll see,” aniya.

Matatandaan, nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kontrobersiyal na Executive Order No. 464 na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete, police at military generals, senior national security officials, at “other officers as may be determined by the President” na dumalo sa mga congressional hearing, maliban kung may pahintulot ng Pangulo.

Ipinatupad ni Arroyo ang EO 464 para pagbawalan na dumalo sa Senate hearing sa Hello Garci scandal ang ilang cabinet members at military generals.

ni ROSE NOVENARIO

PALASYO TODO-DEPENSA

NANINDIGAN ang Malacañang na walang balak si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na labagin ang Saligang Batas sa paglikha ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Reaksyon ito ng Malacañang sa akusasyon ng grupong Bagong Alyansang Makabayan na sa unang limang buwan pa lamang ng Aquino administration ay nagsimula na ang plano kung papaano makukuha ang pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para ipasok sa DAP system.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lahat nang ginagawang paggastos ng Aquino administration ay mayroong ipinatutupad na safety measures at ginagawa ito nang malinis ang intensyon o in good faith.

Batay sa akusasyon, sinasabing idineklara ni Pangulong Aquino na illegal at dehado ang gobyerno sa mga kontratang pinasok ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kaya pinawalang bisa at kinompiska ang pondong nailaan ng gobyerno mula sa national budget na ang halaga ay P72 billion.

Inihayag ni Bayan secretary-general Renato Reyes, talagang pinagplanuhan ng Aquino administration sa simula pa lamang kung papaano makaiipon nang malaking pondo na ikakarga sa DAP na nasa ilalim ng kontrol ni Pangulong Aquino.

Magugunitang nitong nakaraang linggo, idineklara ng Korte Suprema na illegal at labag sa Saligang Batas ang DAP at ito ngayon ang pagbabatayan ng mga kritiko ng administrasyon para papanagutin si Pangulong Aquino kasama si Budget Sec. Butch Abad na umimbento ng DAP.

EBIDENSIYA POSITIBO VS 5 SENATORS

SINIMULAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat kaugnay kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) funds na sinasabing napunta sa bogus na non-government organizations ni Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Justice Sec. Leila De Lima, ang unang inimbestigahan ay ang limang mambabatas na napaulat na inilaan ang DAP sa NGOs ni Napoles batay sa testimonya ng testigong si Benhur Luy.

“We’re investigating that already. The NBI is investigating those… the alleged use of DAP funds through Napoles NGOs, as claimed by Benhur Luy,” ani De Lima.

Magugunitang lumabas ang pangalan nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., Ramon Revilla Jr., at Vicente Sotto III na sinasabing inilaan sa bogus na NGOs ni Napoles ang DAP na ipinagkaloob sa kanila ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“We have the documents on that already. We are evaluating… whether we have cases against those senators and, if confirmed, then what to do about it,” ani De Lima.

Magpapasya pa ang DoJ kung isusumite sa Ombudsman ang kaso o kaya ay magsampa nang hiwalay na kaso ang NBI dahil may hawak na silang mga ebidensya tulad ng SARO.

Sina Enrile, Estrada at Revilla ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

GIIT NG SOLON SA COA: DAP ‘WAG I-COVER UP

MAY pag-aagam-agam ang Bayan Muna na baka pagtakpan ng Commission on Audit (CoA) ang maling pagpapalabas ng pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP), dahil sila mismo ay nakatanggap din ng P143.7 million.

“Last year we already warned the CoA should insulate itself from Malacanang’s influence by not “partaking funds” from the controversial and constitutionally-infirmed DAP, but they did not heed our warning and now they are also neck deep in DAP,” ratsada ni Bayan Muna Rep. Zarate.

Dahil dito, hinamon ni Rep.Zarate ang nasabing ahensya na ilabas nito ang katotohanan makaraan aminin mismo ni COA Chair Grace Pulido-Tan na nakatanggap nga sila ng naturang halaga para makabili ng computers, bagong sasakyan para sa mga opsiyal nito, at ang pag-upa ng mga consultant.

Nabatid na noong nakaraang taon, hiniling ni Tan sa Malacanang na huwag na sanang sumailalim pa sa pagsusuri ng Kamara ang kanilang taunang pondo.

“In fact, instead of avoiding Congress, Chair Pulido-Tan, as well as Budget Secretary Florencio Abad, should better explain well why COA, an independent commission, received such big augmentation amount for its budget from the executive department when such fund transfer is not allowed under our Constitution,” Banat ni Zarate.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *