Tuesday , November 5 2024

Kapoteng pvc may tama sa utak ng tao

PINAG-IINGAT ang mga magulang ng isang ecological group sa pagpili ng mga kapote na kanilang bibilhin para sa kanilang anak para proteksyon sa ulan .

Nadiskubreng ilang kapote o raincoat ang gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic ang may toxic additives tulad ng lead.

Batay sa EcoWaste Coalition, nakabili sila sa Divisoria at Baclaran ng mga PVC raincoats na ipinagbibili sa halagang P130 hanggang P200 at nang suriin ay nadiskubreng positibo sa “excessive lead.”

Dahil dito, hinikayat ng grupo ang mga magulang na humanap ng mga non-PVC rain gears o yaong mga gawa sa alternatibong rain-repulsing materials na may pinakakaunting toxic components.

Ayon sa grupo delikado ang lead sa tao, lalo sa mga bata, dahil maaari itong maging dahilan ng permanenteng pinsala sa utak.

Kaya’t pinag-iingat ng grupo ang publiko o mga magulang sa pagpili ng kapote para sa kanilang mga anak.

(Jaja Garcia)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *