Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Jolo, magpapakasal na (Anniversary Thanksgiving concert ng Be Careful… kasado na!)

ni Roldan Castro

MARAMI ang nagtangkang tanungin si Jodi Sta. Maria tungkol kay Senator Bong Revilla at kung dumalaw na ba siya. Mas pinili niyang ‘wag magbigay ng komento. Wine-welcome lang daw niya ang mga tanong sa Be Careful With My Heart concert concert na mapapanood sa July 25, 8:00 p.m. sa Araneta Coliseum.

Natahimik din siya nang tanungin kung magpapakasal na ba sila ni Vice Governor Jolo Revilla. Wala pa naman daw siyang balak na magpakasal.

Busy pa siya sa trabaho. Maayos naman daw ang ginagawa niya at happy daw siya sa lahat ng ginagawa niya.

Natawa rin siya nang tanungin kung ready na siya ‘pag nag-propose?

“Hi!,” sey lang niya sabay smile.

  Anniversary Thanksgiving concert  ng Be Careful…  kasado na!

Anyway, pinaghahandaan ni Jodi ang duet nila ni Aiza Seguerra sa Anniversary Thanksgiving concert bukod kay Richard Yap.

Libreng concert ito na puwedeng kunin sa ABS-CBN Center Road on July 21 at 23. Mamamahagi ng tickets mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m..

Magpapasaya rin sa thanksgiving concert sina Erik Santos, Juris, at Richard Poon.

Hindi rin Aiza Seguerra concert ang mangyayari na marami siyang kakantahin dahil hinulma nila ito sa bawat karakter at gimik na makaikot sa kuwento kung ano ang Be Careful with my Heart.

May flow kasi ang concert na sinusunod.

Ano naman ang pasabog ni Jodi sa Araneta?

“Siyempre, nai-excite ako pero hindi po nila alam kung ano ‘yung kaba na inaabot ko lalo na noong mag-present sila ng mga gagawin sa concert. ‘Yung gagawin ko rito, hindi ko pa nagawa rati. Mayroon po akong song and dance number,” aniya.

Si Ser Chief naman ay kakanta ng mas maraming Tagalog songs dahil madalas ay English ang kinakanta.

Sasayaw din ba siya?

“Parehong ‘yung dalawang paa ko puro kaliwa, eh. Mahihirapan tayo riyan,” sey pa ni Richard sabay tawa.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …