Saturday , November 23 2024

2016 taon ng mga Cayetano

Tila nakatadhana na ang taon 2016  para sa mga Cayetano lalo na  kay Senator Alan Peter Ca-yetano at sa maybahay niyang si Taguig City Mayor Mam Lani Cayetano.

Masasabing ang pagiging Pangulo ng isang bansa ay hindi nahihiling o nakukuha sa tsamba.

Ito ay nakatadhanang mangyari.

Inevitable na kaganapan man ito, pinagsisikapan at pinamumuhunanan hindi lamang ng sipag at tiyaga kundi matinding disiplina at sakripisyo.

Disiplina sa patuloy na paggawa ng pawang kabutihan hindi lamang para sa iilan kundi bagkus para sa kapakanan ng mas nakararami.

Sakripisyo dahil hindi birong pasakit at hirap ang inyong masasalubong at babatahin sa araw-araw.

Ang pagiging totoo sa sarili at ang adhikaing makatulong sa kanyang mga kababayan ang plus factor para sa senador na si Alan Peter.

Ang pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mas nakararami bagamat hindi ito ganoon ka-po-pular sa paningin ng majority ay isa sa mga pambihirang katangian ng batang senador na inaasahan ng Partido Nacionalista (NP) na mahihirang na susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kung ngayon pa lamang ay solido na sa mga botanteng Pinoy ang isang young blood na tulad ni Alan Peter Cayetano, ganoon din ang pagsuporta ng matatalinong electorate hindi lamang ng Taguig City kundi ng buong bansa sa kabiyak ng senador na si Mayor Lani.

Nagawa niyang maging progresibo at maunlad ang siyudad na pinamumunuan panabay ang pag-asensyo ng pamumuhay ng mga mamama-yan nito.

Napagsabay ito ni Mayora Lani sa maikling panahong ginabayan at pinamahalaan ang Ta-guig.

Murang buwis para sa kapakanan ng mga lokal na mamumuhunan, mapayapa at tahimik na pamayanan at iba pang insentibo para makom-binsing pumasok at magnegosyo ang mga manganga-lakal.

Sakaling tahakin ng maybahay ni Sen. Alan Peter ang landas patungo sa Senado ngayon 2016, malaking puhunan na ang pagiging Mega City ng Taguig sa incumbency ni Mayora Lani.

Hindi lamang ito nagkaroon ng malahiganteng ekonomiya, nagawa pa nitong maungusan ang iba pang mas naunang maging siyudad na LGUs dito sa Metro Manila.

Sumasabay na halos ang pag-unlad ng lungsod sa tinatamasang kaunlaran ng kapitbahay nitong siyudad ng Makati.

A fate that is so hard to duplicate.‘Yan ang tatak Cayetano, serbisyong totoo para sa tao!

NOTORYUS KOREAN MIKE KIM DINADAGA NA SA SINAPIT NI JOSEPH ANG

Ang brutal na pamamaslang sa Resorts World casino financier na si Joseph Ang ay nagdulot ng isang mabuting bagay para sa mamamayan.

Ang gruesome murder na ito laban sa isa sa mga bigtime casino financier ay nagdulot ng malaking takot sa mga kapwa nila tuso at mapagsamantalang financiers na nagtatampisaw sa opisyo ng pagbubulid sa kanilang kapwa tao sa napakasamang bisyo ng pagsusugal.

Hindi lamang pamilya at buhay ng mga kaanak ng mga talamak na sugarol ang napapariwara nang dahil sa mga katulad ni Joseph Ang na bukod sa pagiging ‘loan shark’ ay iniulat din sangkot sa illegal drug trade. Kinabukasan din ng mga mahal sa buhay ng mga padre de pamilya at mga ina ng tahanan na  ayaw na halos umuwi ng bahay dahil sa pagiging casino addicts.

Walang iniwan si Ang sa isa pang tarantadong dayuhan na walang sawa sa paggawa ng kasalanan sa kanyang kapwa.

Si MIKE KIM ang Koreanong tinutukoy natin mga ka-TARGET na sa simula’t sapol pa nang mapadpad sa Pilipinas ay puro katarantaduhan ang pinaggagagawa at inaatupag.

Mismong mga kababayang Koreao ang su-king tarantaduhin at biktimahin.

Kahalintulad ng kapalaran ni Ang ang tiyak na sasapitin rin nitong si tax evader MIKE KIM.

Kung si Ang ay ginawang pangalawang tirahan ang Resorts World, ang Solaire casino naman ang teritoryo ni Kim.

Langit na ang kakalos sa lahat ng kalokohan niya. Isang malagim na wakas ang naghihintay para sa salot na Koreano sa ating bansa.

Tama ba ako murder/kidnapping suspect Solaire Chief security Michael Ray Aquino?

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “Target on Air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag txt sa sumbong o reklamo 09278781771  mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *