Tuesday , November 5 2024

Jueteng ops ni Bolok Santos lalarga na sa Metro South

MULING nagpapalawak ng operasyon sa larangan ng illegal numbers game partikular ang jueteng, pinalapad ng matunog at kilalang gambling lord na si Bolok Santos ang kanyang teritoryo sa Metro South.

Sa ulat na nakarating sa intelligence community, pinakikilos na ni Bolok Santos ang kanyang mga personero at kabo sa mga lungsod ng Pasay, Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Taguig, Pateros, at Makati.

Ayon pa sa impormante, tumataginting na P12-milyones ang inihatag na goodwill money ni Bolok Santos dahil target niyang makopo ang operasyon ng illegal numbers game/jueteng sa Metro South.

Si Bolok Santos ay nagsimula at nakilala ang operasyon ng jueteng sa Marikina City.

Kasunod nito, nakapasok ang kanyang operasyon sa Quezon City saka ginapang ang Caloocan, Navotas, Malabon at Valenzuela (Camanava).

Sinabi ng impormante, sa Lunes ay magiging full-blast na ang jueteng operation ni Bolok Santos sa Metro South.

(HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *