Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov Vilma Santos pinalabas na bobita, Boy Abunda biktima rin ng bashing tinawag na balimbing at sipsip sa gobyerno (Over acting na mga netizen!)

ni Peter Ledesma

Over naman mag-react ang mga nagmamagandang netizens sa ipinadalang card ni Gov. Vilma Santos kay Kris Aquino kasama ng regalong special na ensaymada na agad ini-post sa kanyang Instagram Account. Pinalalabas ng mga insecure na basher na ‘bobita’ ang Star for All Seasons.

Hello? Kayo ba may narating na tulad ng achievements ni Ate Vi sa kanyang career sa showbiz at politika? Hindi naman porke wrong grammar ang actress-politician ay mangmang na siya. Kung wala siyang alam bakit napatakbo niya nang maayos ang Batangas at nagkaroon ng progress ang lugar mula nang manungkulan siya bilang mayor hanggang governor. Palibhasa wala na kayong makitang maipipintas kay Ate Vi kaya kahit ‘yung konting pagkakamali sa pagsulat ng mensahe sa card kay Kris ay pinapansin ninyo. Siguro mas maigi kung ang pansinin n’yo ang buhay ninyo kung maayos ba o hindi? Saka kayo ang bobo at hindi si Gov. Vi dahil ang alam n’yo lang ay manira ng kapwa.

Kahit nga si Kuya Boy Abunda na ubod nang bait ay hindi n’yo rin pinatawad. Doon sa mga nagsasabing balimbing at sipsip kay Pangulong Noynoy Aquino si Kuya Boy ay belattt ninyong lahat dahil last Tuesday sa kanilang show ni Kris na “Aquino and Abunda Tonight” buong paninindigan na ipinakita ng King of Talk sa publiko ang kanyang pagiging true blooded Noranian. Ipinagtanggol niya on national television at ipinaglaban ang pagiging national artist ng ating nag-iisang superstar.

“I totally respect the decision of the president but I humbly disagree with his decision, dahil naniniwala ako na si Nora Aunor ay deserving to be a national artist, because of her body of work,” say ni Kuya Boy. Saka idinagdag niyang nakausap niya ang lawyer ni Ate Guy, na si Atty. Claire Navarro Espina at sinabi na never na-convict sa possesion of illegal drugs sa Amerika ang superstar. Kahanga-hanga naman ang naging reaction ni Kris Aquino dahil respetado niya ang binitawang statement ng Bff co-host. Sinabi ni Kris na mayroon tayong demokrasya pero naninindigan siya sa president brother at bilib siya kanyang lidereto. At least, ipinakita ng Queen of All Media ang kanyang pagiging patas o parehas. Sa puntong ito ay kapuri-puri naman si Kuya Boy sa hindi niya pang-iiwan sa ere kay Ate Guy. Naku! Kung alam lang ng mga taong tumitira sa kanya ang suporta ni Kuya Boy kay Nora na hindi na niya ipinag-iingay, baka lahat sila ay magpasalamat sa good-samaritan TV host.

Mga judgemental kasi gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …