Sunday , November 17 2024

‘Freak accident’ sa selfie pinagdudahan (Nabaling buto tumusok sa kidney)

MASUSING iniimbestigaan ng Pasig City Police ang napaulat na pagkamatay ng isang 3rd year high school student dahil sa ‘selfie’ nitong Lunes sa loob ng school campus.

Ang biktimang si Christine Rosello, 14-anyos, estudyante ng Rizal High School, kasama ang isang kaibigan ay kumukuha ng larawan sa sarili o selfie nang mahulog sa hagdanan mula sa 3rd floor ng gusali.

Gayonman, duda ang mga kaanak ng biktima sa dahilan ng pagkamatay ng estudyante dahil paiba-iba ang statement ng school authorities.

Ayon sa uncle ng biktima, una silang nakatanggap ng tawag mula sa class adviser ng dalagita at sinabing isinugod sa ospital ang biktima sanhi ng pagkahilo ngunit nang dumating siya ay patay na si Christine.

Inihayag ni Pasig PNP chief, Sr. Supt. Mario Rariza, ang biktima ay namatay sa Rizal Medical Center ilang oras makaraan isugod sa nabanggit na ospital.

Lumabas sa awtopsiya, nabali ang tadyang ng biktima na tumusok sa kanyang kidney at may pinsala sa likurang bahagi ng ulo.

Inaalam ng pulisya kung may guidelines ang  Department of Education (DepEd) sa pagbabawal ng cellphones sa loob ng school campus.

Sakaling mayroon, sisilipin nila ang pananagutan ng  school officials ng nasabing paaralan at maaaring sampahan ng kaukulang kaso.

Samantala, inihayag ni DepEd Secretary Armin Luistro, magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente.

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *