Tuesday , November 5 2024

Disbarment case vs Brillantes, 5 pa aprobado sa SC

070414_FRONT

INAASAHAN nang matatanggalan ng lisensya bilang abogado si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes, Jr., at lima pang commissioners matapos aprobahan ng Korte Suprema ang disbarment case na isinampa ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) laban sa anim na opisyal.

Kasama ni Brillanters sa mga inaprobahan na i-disbar sina Commissioners Rene Sarmiento, Lucenito Tagle, Armando Velasco, Elias Yusoph at Christian Robert Lim.

Nag-ugat ang reklamo matapos ang ibinabang desisyon ng mga nasabing opisyal ng Comelec na pagtanggal sa pangalan ng ALAM sa partylist ballot para sa 2013 elections.

Ang ginawang pagtanggal sa pangalan ng ALAM sa PCOS ballot ay maituturing na matinding insulto sa dignidad at dangal ng Kataas-taasang Hukuman dahil nauna nang nagpalabas ng Status Quo Ante order (SQAO) na nag-uutos sa lahat ng partido, kabilang ang Comelec na panatilihin ang katayuan ng mga partido bago ang pagpapalabas ng kautusan sa hindi pagbibigay ng aplikasyon para sa accreditation at pakikilahok sa 2013 halalan.

Ang kanilang ginawa ay malinaw na paglabag sa Lawyer’s Oath na kanilang susundin nang tapat ang mga awtoridad na itinadhana ng batas gaya ng Korte Suprema.

Ipinagtanggol ng Office of the Solicitor General (OSG) ang mga respondent, maliban kay except Commissioner Lim na kumuha ng sariling abogado para katawanin siya sa Korte Suprema.

Kinuwestiyon ng ALAM ang pagtatanggol ng OSG sa Comelec officials dahil ang nilabag nila ay sariling batas ng bansa.

Inatasan ng Supreme Court ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magsagawa ng pagdinig para sa proseso ng disbarment.

Itinakda ng IBP ang pagdinig sa Mandatory Preliminary Conference sa Hulyo 30, 2014 ganap na 10:00 a.m. sa IBP Headquarters, Julia Vargas Ave., Pasig City.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *