Tuesday , November 5 2024

Dasal para kay Miriam vs cancer bumuhos

BUMUHOS ang pag-aalay ng dasal ng netizens para sa ikagagaling ni Miriam Defensor-Santiago sa sakit na lung cancer.

“Nakaka-sad malaman na may stage 4 lung cancer si Sen. Miriam Santiago. Please pray for her… Please help me to pray for Sen. Miriam who still fight for the right and the truth even she has a stage 4 lung cancer,” ayon sa isang netizen.

Ikinagulat din ng mga kasamahang senador ang pagkakaroon ng stage 4 lung cancer ni Santiago.

Ayon sa nakakulong na si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., ikinagulat niya ang biglaang karamdaman ng senadora kaya’t ipinagdarasal niya ang agarang paggaling ni Santiago.

“I was both surprised and saddened to learn about Sen. Miriam Defensor Santiago’s latest ailment. I will continue to pray for her health and recovery. Pagaling kayo ma’am. Lagi kayong nasa akin panalangin,” ani Revilla.

Habang ang kairingan ni Santiago na si dating senador at ngayon ay Rehabilitation Czar Ping Lacson, ay ayaw nang bumanat sa senadora at inihayag na ipagdarasal niya ang kanyang recovery.

“I will henceforth pray for her recovery. I say it in all sincerity. I am setting aside for good whatever animosities have been brought about by our exchange of harsh words,” ani Lacson.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *