ITINURO ang isang dating alkalde na may-ari ng bodega ng bigas na sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Marilao, Bulacan kahapon ng umaga.
Sinalakay ang nasabing warehouse matapos mabalitang pinag-iimbakan ng libo-libong sakong bigas ng NFA na sinasabing inire-repack sa anyong commercial rice.
Ayon kay Chief Insp. Rey Magdaluyo, ng CIDG-Bulacan, madaling-araw nang salakayin ang nasabing bodega at nakakompiska ng dalawang truck na pinaniniwalaang ginagamit sa pag-transport ng nasabing mga narepak na bigas.
Inaalam ng mga awtoridad kung sinong sinasabing dating alkalde ng Marilao ang may-ari ng bodega para sampahan ng kasong economic sabotage at paglabag sa Price Regulation Act.
(DAISY MEDINA)