Tuesday , November 5 2024

PBA D League sa IBC 13

SIMULA sa Oktubre ng taong ito ay mapapanood na sa IBC 13 ang mga laro ng PBA D League.

Ito’y pagkatapos na pumirma ng dalawang taong kontrata ang PBA sa Asian Television Content Corporation at Stoplight Media Group na bagong blocktimer ng IBC.

Sina Engineer Reynaldo Sanchez at Matthew Yngson ang naging mga kinatawan ng ATC at Stoplight sa pagpirma ng kontrata kasama si Komisyuner Chito Salud.

Mapapanood ang mga laro ng D League mula alas-8 hanggang alas-11 ng gabi tuwing Lunes, Martes at Huwebes simula sa pagbubukas ng Aspirants Cup sa Oktubre.

“We have worked hard to find a network that will not only cover the games but also share our goals and vision for the league. I’m very grateful to Mr. Sanchez and Mr. Yngson for putting their trust and believing that the PBA D-League has lot more to offer than just being a breeding ground for players aspiring to make it to the PBA,” pahayag ni Salud.

Dating pinalabas ang PBA D League sa Aksyon TV 41 ngunit walang mahanap ang liga ng airtime kaya nalipat ito ng istasyon.

Idinagdag ni Salud na bukas ang D League sa paghanap ng mga bagong koponan pagkatapos na umakyat na sa PBA ang North Luzon Expressway at Blackwater Sports.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *