Saturday , November 23 2024

Part 2

HINDI na manlalamya sa umpisa ng laro ang San Mig Coffee at didiinan na nito ang Rain Or Shine sa Game Two ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup best-of-five Finals mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nakabangon ang Mixers sa 17-puntos na kalamangan ng Elasto Painters at sumandal sa kabayanihan ni James Yap sa endgame upang mapanalunan ang Game One, 104-101 noong Martes.

Si Yap, na nagtapos ng may 14 puntos, ay gumawa ng siyam sa 13 puntos ng Mixers sa huling tatlong minuto.

Nagkaroon ng kontrobersya sa dulo nang laro nang hindi tumawag ng anumang foul ang referees sa three-point shot ni Paul Lee na dinipensahan at nabangga ni Marc Pingris sabay ng pagtunog ng final buzzer.

Sakaling makaulit ang Mixers sa Elasto Painters mamaya ay mapapalapit sila sa pagbuo ng ikalimang Grand Slam sa kasaysayan ng PBA.

“I don’t know whether that was a foul or not as I was far away,” ani San Mig Coffee coach Tim Cone.

Idinagdag niya na “We have all the respect for this team (Rain Or Shine). Hopefully we’re smart enough to know that we can’t come out flat in a game in this series.”

Pinatutungkulan niya ang malamyang simula ng Mixers na sinamantala ng Elasto Painters na lumamang ng 17 puntos dalawang beses, 69-52 at 71-54.

Ang San Mig Coffee ay binuhat ng  mga second stringers na sina Mark Barroca, Allein Maliksi, Ian Sangalang at Justin Melton sa third quarter. Naibaba nila ang abante ng Elasto Painters, 78-71 papasok sa final period.

Bagama’t nadismaya si Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao sa hindi pagtawag ng foul ng referees ay nasabi niyang  “I just thought Paul got fouled. That was a break we deserve but we did not get it. We just have to put this behind us and try to equalize.”

Ang Elasto Painters ay pinamunuan ni Arizona Reid na nagtala ng 35 puntos. Si  Reid,  naghatid sa Elasto Painters sa Finals sa unang pagkakataon sa tatlong conferences bilang import ng Rain or Shine, ay siyang leading contender para sa Best Import award.

Ang kanyang katunggali na si Marqus Blakely ay nalimita sa 13 puntos bunga ng matinding depensa ni Jireh Ibanes.

Makakatuwang ni Reid sina Lee, Jeff Chan, Gabe Norwood, Beau Belga, Ryan Arana at Raymond Almazan.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *