SA classical feng shui applications, ang mga bulaklak ay simbolo ng kagandahan at kayumihan.
Ang universal language ng mga bulaklak ay walang pagkakaiba sa iba’t ibang kultura, gayundin sa interpretasyon o kahulugan nito.
Ang feng shui use ng flower symbols ay base sa kaparehong universal feeling na naidudulot ng mga bulaklak sa lahat ng mga tao – ang pakiramdam ng kagandahan, kayumihan, pagiging banayad at senswal.
Ang buhay na mga bulaklak ang pinakamainam para sa mga tahanan, dahil ito ay nagdudulot nang malakas na healing energy; ngunit ang imahe ng mga bulaklak o high quality silk flowers ay madalas ding ginagamit sa feng shui.
Bilang karagdagan sa enerhiya ng kagandahan at kayumihan, ang mga bulaklak ay nagdudulot din nang magandang swerte at biyaya, ang kalidad ng Chi sa ano mang tahanan.
Feng shui-wise, madalas na itinutuon ang pansin sa mga kulay, bilang, gayundin sa isinisimbolo ng espisipikong bulaklak.
lady Choi