ni Alex Datu
NAGKAROON din kami ng pagkakataong interbyuhin si Faith Cuneta sa nasabing ikatlong major concert ni Gerald Santos sa Skydome noong Biyernes ng gabi. In passing, nasabi nitong hindi na niya kailangan magpa-enhance ng boobs.
Aniya, “Kailangan lang pala tumaba ako para lumaki ang aking boobs kasi noon, flat-chested ako. Hindi ko na kailangan pumunta kay Dr. Manny Calayan para magparetoke dahil tama ang laki ng boobs ko ngayon. ‘Di ba noon pa, ayaw ng parents ko na magpalaki ako ng boobs kasi takot sila sa magiging side effect. Kailangan ko lang para ang tumaba para lumaki ito ng natural,” tsika ng Koreanovela Diva.
Tinanong din namin siya tungkol sa kanyang lovelife at kabi-break lang daw nito sa kanyang boyfriend of five months. Nalaman din namin na mayroon din siyang naging boyfriend noon sa college na tumagal ng 10 taon ang kanilang relasyon na bumura sa aming impresyon na may pagka-tomboy ito dahil wala kaming nabalitaang naging boyfriend nito, malihim lang pala.
And speaking of magic, inamin nitong may mga tomboy na nanligaw sa kanya kahit noong nasa high school pa siya pero wala siyang pinatulan sa mga ito. ”Okey naman sila, they’re good friends at doon sa mga nanligaw noon, sinasabi ko lang na magkaibigan na lang kami.”
Nagulat pa nga siya nang sabihin namin na may dalawang tomboy na kaibigan namin ang tinatanong siya at isa rito, kung nag-asawa na ito. Siyempre, natawa na lamang siya at inaming hindi na bago sa kanya na malamang mayroon siyang mga magic na admirer.