Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 20)

HINDI NAKONTENTO SA CP NUMBER NAG-SELFIE SI NICOLE KASAMA SI ATOY

“Wanna learn piano lessons for free?” ang kasunod na tanong niya sa akin.

“No” ulit ang sagot ko na ‘wala nang ela-elaborasyon dahil hindi ako nakapagbaon ng Ingles.”

“Am Nicole” ang pakilala niya sa akin, “ … and yours?”

Nakupuuu! Tuluyan nang nagkapili-pilipit ang dila ko. “I-I’m Fortinato b-but just call me Lucky as friends do…” sabi ko sa paglalahad ng palad sa kanya.

Parang naengkanto sa kanilang kinatatayuan sina Biboy, Arvee at Myke. Hindi makapaniwala ang mga kaklase ko sa Uste sa kanilang mga nasasaksihan.

Nakipagkamay sa akin si Nicole at saka dinukot sa bulsa ng kanyang pajama ang isang ballpen. Isinulat niya sa braso ko ang labing-isang numero. “My cp numbers,” aniyang nakatawa. Tapos, inilabas niya mula rin sa bulsa ng pang-ibabang kasuotan niya ang pinakabagong modelo ng isang mobile phone. “Can I have yours?” aniya sa akin. Dali-dali ko siyempreng ibinigay ang aking cp numbers na inilagay niya sa phonebook.

“You’re so cute, you know…” ngiti sa akin ni Super Sexy Lady.

Tumabi siya sa akin at saka ako isinama sa pagse-selfie niya. Nag-click nang nag-click ang hawak niyang cp. Parang bigla akong nawala sa sarili. Pakiwari ko’y lumilipad akong patungong langit. “Cute” daw ako. Pero tama ba ang narinig ko kanina na tinawag din niya akong “handsome guy?”

“Let’s dance, Lucky. C’mon…” sabi ni Super Sexy Nicole nang hilahin ako sa kamay at muling umindak-indak sa tempo ng “If I Fell” na kinanta ng grupong nagko-concert.

Sa tingin ko ay atat din na makilala at makadaupang-palad si Nicole nina Biboy, Arvee at Mykel. E, biglang pasok sa eksena ang dalawang malalaking lalaking naka-barong. Walang pakundangan akong isinalyang palayo kay Nicole. Kung mahina-hina ang mga tuhod ko ay baka napasubasob ako sa sementadong lupa. Pero hindi ako nakapalag. At lalong walang anomang naging aksiyon ang tatlo kong dabarkads na nabulaga. Pareho kasing may sukbit na baril sa baywang ang dalawang lalaki. Sopistikado ang communication gadget nila. Tulad iyon ng gamit ni Kevin Cosner sa napanood kong pelikulang “The Bodyguard” na pinagtambalan nila ni Witney Huston. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …