Monday , December 23 2024

DAP ibalik sa kaban ng bayan

TINIYAK ng Malacañang na ibabalik sa kaban ng bayan ang pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na inilagak sa mga proyektong hindi naipatupad, gaya ng rehabilitasyon ng MRT at LRT.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang usisain ng media kung bakit kahit natapos na ang DAP noon pang 2013, hanggang sa ngayon ay wala pa rin ang mga bagong bagon para sa MRTat LRT na kabilang sa mga tinustusan ng pondo ng DAP.

“ Well, tinitingnan nga ngayon. So was there any projects that… Tinitingnan ngayon ng DBM, ng DoTC (Department of Transportation and Communications) kung ano ba talaga. Nagamit din ba nang as intended? Kung hindi, ibabalik din naman talaga sa pondo ‘yon, but we don’t have the details of that. We’ll have to ask DBM,” aniya.

Ikinatuwiran ni Lacierda na hindi pa nila maaaring isapubliko ang listahan ng mga proyektong pinondohan sa ilalim ng DAP dahil hindi pa “final and executory” ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP.

“Ang limitation nga namin ngayon, right now, is the list. It’s sub judice before the courts. As much as we would like to release it, it’s sub judice. So… We can promise you as soon as the case becomes final and executory, those projects, the list of the projects will be released,” sabi pa niya.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *