COACH lang ang nato-thrown out sa Rain Or Shine at hindi ang mga manlalaro.
Kulang na lang na ito ang sabihin ni coach Joseller “Yeng” Guiao noong Lunes sa Finals press conference ng PLDT Home Telpad PBA Governors Cup na ginanap sa Eastwood.
Ipinipilit kasi ng isang reporter na masyadong pisikal maglaro ang Elasto Painters.
Sinagot siya ni Guiao ng ganito: “As far as I know, wala akong player na na-thrown out dahil sa flagrant foul penalty two o sobrang pananakit o sadyang pananakit.”
Come to think of it, wala nga akong matandaang Elasto Painter na na-thrown out.
Palaging si Guiao lang ang nato-thrown out bunga ng dalawang technical fouls dahil sa pagrereklamo sa mga maling tawag ng referees.
Ang players ng mga nakatunggali ng Rain or Shine ang nato-thrown out.
E hindi nga ba’t sa Game Five ng semifinals ng Rain Or Shine at Alaska Milk ay na-thrown out si Raffy Reyes ng Aces. Sa Game Four ay na-thrown out ang import na si Henry Walker ng Alaska Milk.
Kumbaga’y nahuhuli ng referees ang pisikalidad nila.
Pero ang pisikalidad ng Elasto Painters ay disimulado.
Actually, ayon kay Guiao, reputasyon ang nagdadala sa Elasto Painters. Ang perception ng fans at ng kalaban ay masyado silang pisikal. Pero sa totoo ay ‘within the rules of the game’ ang physicality ng Elasto Painters.
Hindi tumatawid sa hindi legal ang pisikalidad nila.
Totoo , di po ba?
Sabrina Pascua