MAGPAPALIGSAHAN ang social media addicts sa tinaguriang ‘cold turkey’ detox programme sa remote Scottish island.
Anim na “techies” ang pipiliin para sa tatlong araw na Tech Time-Out experiment, sila ay hindi bibigyan ng access sa smartphones, tablets o wi-fi connection.
Sa halip, isasailalim silang Scottish Youth Hostelling Association sa outdoor activities katulad ng hill walking, archery at abseiling.
Umabot 50 katao ang nagpalista para sa nasabing paligsahan.
Ang event ay gaganapin sa Isle of Arran sa Setyembre.
Naisip ni SYHA chief executive Keith Legge ang nasabing ideya makaraan mapanood sa YouTube ang video na pinamagatang Look Up, na tinutukso ang mga taong naglalakad habang nakatutok sa kanilang cellphones.
Sinabi niya sa The Scotsman: “By offering some Tech Time-Out, we think the participants will see the benefits of switching off once in a while and see what they’re missing.
“It is ironic that probably the main way we will get people to know about this is through social media and online, but there you are.” (ORANGE QUIRKY NEWS)