Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy, inaming dahil sa droga kaya ‘di itinanghal na National Artist si Nora

070114 Malacañan Nora pnoy

ni Alex Brosas

FINALLY, nagsalita na si President Noynoy Aquino at sinabi ang dahilan kung bakit niya tinanggal si Nora Aunor in this year’s National Artist roster ay dahil nasangkot at na-convict si Nora dahil sa droga.

“Ayoko na may mensahe na kung minsan puwede ang ilegal na droga. Or acceptable. Kung ginawa ko siyang National Artist, paano siya as a role model?

“Iginagalang ko siya. Kinikilala ko ang kanyang trabaho at mga obra pero ang prolema ko, mas mataas ang prioridad na may maliwanag na mensahe: zero tolerance sa drugs,” paliwanag ni PNoy.

That said, we felt na he is sending a wrong message. Kung ganoon ang stance niya, eh, bakit ‘yung mga cabinet member niyang sinasabing sangkot sa pork barrel scam ay hindi niya inalis sa puwesto, bagkus ay todo  tanggol pa siya? Hindi ba dapat ‘yung mga kaalyado niyang isinasangkot sa pork barrel controversy ay tanggalin na niya?

Anyway, naglabas na ng saloobin si Ate Guy na nagpasalamat sa “lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.

“Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan, mga katrabaho ko sa industriya, fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artist, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa, ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habambuhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.”

Nagsuot ng black T-shirt  si Ate Guy with this message: “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government.”

Kami rin kami as we are ashamed of our government dahil ang pinakamalalaking magnanakaw ay nasa GOBYERNO.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …