Monday , April 7 2025

Nora Aunor drug convict (Kaya ‘di pwedeng National Artist)

INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon, ang kaso sa illegal drugs sa Amerika na kinasangkutan ni Nora Aunor ang dahilan kaya hindi niya idineklarang National Artist ang aktres.

“Sa aking pananaw ang National Artist … iyong binibigyan natin ng honor na ito, puri na ganito, dahil gusto natin sabihin malaki ang inambag sa lahing Filipino at dapat tularan. Ngayon ang naging problema ko lang doon, alam naman natin lahat na iginagalang ko, ulit si Binibining Nora Aunor, na-convict po siya sa drugs. Na-convict at naparusahan at ang tanong ngayon dito,  ‘pag ginawa ba nating national artist may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan?” anang Pangulo sa media interview kahapon sa Clark Air Base sa Pampanga.

Ang drug case na kinasangkutan ni Nora sa US ay ibinasura ng Los Angeles court noong 2007 makaraan aminin ng aktres ang paggamit ng illegal drugs at sumailalim sa anim buwan na drug rehabilitation program.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

Bilang pagdadalamhati  
TUP Manila campus walang face-to-face classes sa Abril 7-8

NAGDEKLARA ng suspensiyon ang Technological University of the Philippines (TUP) Manila para sa face-to-face classes …

Bagong Henerasyon Partylist Bernadette Herrera

Bagong Henerasyon Partylist ‘pasok’ sa “winning circle”

LUBOS na ikinagalak ng Bagong Henerasyon (BH) Partylist, sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader …

040725 Hataw Frontpage

‘Fiona’, ‘Magellan’ tumanggap ng CF mula kay VP Sara

HATAW News Team NADAGDAGAN ang listahan ng mga tumanggap mula sa confidential funds (CFs) ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *