Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liderato target ng San Sebastian

IKALAWANG sunod na panalo at solo liderato ang pakay ng San Sebastian Stags laban sa Jose Rizal Heavy Bombers sa kanilang pagtatagpo sa 90th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 2 pm sa The Arena sa San Juan.

Sa unang senior division game sa ganap na 12 ng tanghali ay magpupugay naman ang College of St. Benilde Blazers at Emilio Aguinaldo College Generals.

Naungusan ng Stags ni coach Topex Robinson ang Letran Knights, 85-83 noong Sabado sa kabayanihan ng sophomore guard na si Jamil Ortuoste na nagpasok ng isang three point shot sa huling 19.4 segundo.

Naseguro ng Stags ang tagumpay nang maagawan ng rookie forward na si Rhanzelle Yong ang pasa ni Mark Cruz sa dulong laro.

Si Ortuoste, na gumawa ng apat na triples, ay nagtapos nang may 16 puntos, apat na assists at dalawang steals.

Sa larong iyon, ang Stags ay pinangunahan ni CJ Perez na nagtapos nang may 20 puntos. Nagdagdag naman ng 15 ang beteranong si Jovit dela Cruz.

Sa kabilang dako, ang heavy Bombers ni coach Vergel Meneses ay natalo sa defending champion San Beda Red Lions, 57-49. Tanging si Philip Paniamogan ang nagtapos nang may double figures para sa JRU nang gumawa siya ng 12 puntos.

Ang ibang mga beteranong inaasahan ni Meneses ay sina John Ervin Gorospe, Michael Mabulac at Gio Nicolo Lasquety.

Ang Blazers ng CSB ay gagabayan ni coach Gabby Velasco sa ikalawang taon.

Nagbabalik buhat nong nakaraang season sina Mark Romero, Jose Alfonso Saavedra, Luis Antonio Sinco, Juan Paolo Taha, Jonathan Grey at Ryan Ongteco.

Ang Emilio Aguinaldo College kasama ng Lyceum ay dalawang guest teams sa torneo na malamang na maging regular members sa pagtatapos ng season na ito.

Hawak ni coach Gerald Esplana, ang Generals ay sumasandig kay Cedric Happi Noube na sinusuportahan nina Igee Bobbie King, Jan Niccolo Jamon at John Marco Tayongtong.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …