Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Rice, naging ganap na aktres sa pelikulang Kamkam

070214 jackie rice

ni Nonie V. Nicasio

AMINADO si Jackie Rice na nagdalawang-isip siya bago tinanggap ang pelikulang Kamkam (Greed). Mainly, dahil sa mga daring and sizzling hot love scenes niya kina Allen Dizon at Kerbie Zamora. Kaya ayon sa tisay na aktres, pinag-isipan niyang mabuti kung tatanggapin ang naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Pumasok daw sa isip ni Jackie na kung tatanggapin niya ito, gusto niya ay ibigay ang kanyang best. Aminadong kinabahan noong una dahil baka hindi pa raw siya handa sa mga ganoong eksena. Pero sa bandang huli, ang mas na-ngibabaw ang kanyang pagi-ging artista.

“Pinag-isipan ko talaga kung dapat ko ba siyang tanggapin at nangibabaw ‘yung gusto kong tanggapin ito. Noong una ay kinabahan ako, I mean parang hindi ako handa. Kasi sa Pilipinas, kapag ganoon ay nag-iiba iyong tingin sa iyo ng tao, ‘di ba?

“Isa rin na dahilan, ‘yung kapag nanonood kasi ako ng film, sina Angelina Jolie nagpapakita ng boobs, ganyan, pero ang ending, ‘Ay ang ganda-ganda ng film, nai-iyak ako.’ I mean, hindi nila naiisip na malaswa ‘yun. So sana pagdating rin dito sa Pi-lipinas, mabago rin natin ‘yun,” esplika ni Jackie.

Kaya raw niya tinanggap ang Kamkam ay dahil may gusto siyang patunayan bilang aktres. “Oo, kasi gusto ko rin i-prove sa sarili ko na hindi lang eto ang kaya kong gawin. Na bago ko rin ‘yun tanggapin, parang may sign din nang nag-ano ako sa internet, nabasa ko from Kate Winslet na, ‘Nudity is art’.”

Nang nakita mo ang teaser ng movie n’yo, ano ang na-feel mo?

“Proud ako sa ginawa ko, proud ako sa movie na ito. Kasi feeling ko ‘yung ibang artista, hindi nila kaya iyong ginawa ko e. Kaya may mga tumanggi nga roon sa role hindi ba? So, proud ako na nagawa ko siya.”

Sinabi rin ni Jackie na walang kaso sa kanya kahit hindi siya ang first choice sa movie.

“Kahit third choice ako, ang una ay si Charee Pineda, tapos ang alam ko ang second choice ay si LJ (Reyes) e, pero ang mahalaga ay sa akin siya napunta. Ako ang nagwagi, kumbaga, ha-ha-ha!”

Happy ka ba ngayon sa takbo ng career mo? “Oo naman, oo naman. Hindi ko na hinaha-ngad iyong fame, ang mas gusto ko ay iyong magagandang roles and projects.”

Nang ginagawa mo ba ang pelikulang Kamkam, naiisip mo ang magka-award?

“Award ang gusto ko, ha-ha-ha! Gusto ko talagang magka-award at kung ibibigay, salamat at kung hindi naman ay okay lang. Basta ang alam ko lang, masaya ako sa ginawa ko,” nakangiting sagot pa niya.

Masasabi mo ba na after ng pelikulang ito, naging ganap na aktres ka na?

“After this movie ay artista na talaga ako. Naging estud-yante ako rito sa pagiging artista. Pero gusto ko ay tuloy-tuloy pa rin na pagbutihin iyong craft ko, mag-workshops… dapat hindi ka mag-stop from learning e.

“Gusto ko ay maging magaling talaga. I mean, hindi ko gusto iyong fame e, ang gusto ko ay tumagal sa industriyang ito. Parang si Ms. Jean Garcia, iyang idol ko.

“Na gusto ko ay tatagal at tatak ka sa mga tao dahil sa nagawa mo. Iyong tipong kapag lalabas ka ng bahay, hindi si Jackie Rice ang nakikita nila. Na ang maaalala ng mga tao ay, ‘Ito ‘yung nakita ko sa film, si Shane, Hi Shane!’ iyong ganoon.

“Ibig sabihin ay masaya na ako kapag ganoon, fulfilled na ako kapag ganoon.”

Shane ang karakter ni Jackie sa pelikulang ito.

Ang pelikulang Kamkam ay showing na sa July 9. Ito ay Graded-A ng Cinema Evaluation Board. Mula ito sa Heaven’s Best Entertainment.

Bukod kina Jackie, Allen, at Kerbie, tampok din dito sina Jean Garcia, Sunshine Dizon, Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, Jim Pebanco, Joyce Ching, Lucho Ayala, Rita de Guzman, Hiro Peralta, Athena Bautista, at Zeke Sarmenta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …