Monday , December 23 2024

Illegal towing carnapping din (Ayon kay Sen. Grace Poe)

070214 poe senate towing

WALANG  pagkakaiba sa gawain ng carnapping syndicates ang isinasagawang illegal towing na paglabag sa karapatang pantao kaya’t kailangan nang sapat na parusa.

Ito ang nilalaman ng Senate Resolution 708 na inihain ni Senadora Grace Poe, naglalayong magsawaga ng imbestigasyon at gumawa nang sapat na batas na ipatutupad sa labang sa illegal towing ng isang sasakyan.

Ayon kay Poe, inihain niya ang panukala makaraan dagsain ang kanyang tanggapan ng mga reklamo ng mga nagkalat na illegal towing companies.

Tinukoy ni Poe, batay sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA), mayroon lamang 24 accredited towing companies.

Sa resolusyon ni Poe, nais niyang ipatupad ng MMDA at Philippine National Police ang pagsugpo at pagtugis sa

nagkalat na fly-by-night operators  at criminal syndicates na nagsasagawa ng illegal towing at naniningil nang malaking halaga.

Nananawagan din si Poe sa mga awtoridad na suriin ang bawat towing companies para matukoy kung sumusunod sila sa batas.     (NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *