TAHASANG sinabi ng Malacañang na dapat nang tapusin ang tinaguriang nagaganap na ‘happy hour’ sa selda ng pork senators sa PNP Custodial Center.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi ito katanggap-tanggap at dapat masunod ang patakaran sa pagdalaw.
Bilang na aniya ang araw ng pagkain nila nang espesyal at masasarap na pagkain dahil dapat ipatupad ang patakaran sa ordinaryong kulungan kaugnay sa pagrarasyon ng pagkain sa mga preso.
“I think ang mga korte alam po [kung] ano ang kahalagahan ng technicality. May sinasabi po tayo sa batas na ang technicality should not be..€”should not prevail over substance or over evidence. So alam po rin ng ating mga husgado po ‘yan, so sila na po ang bahala na mag-e-evaluate po ng mga ebidensya” ani Lacierda.