Tuesday , November 5 2024

Fetus inilaglag itinapon, ina timbog

GENERAL SANTOS CITY – Ikinostudiya ng CSWD at pulisya si Mary Ann Meliton, ang 20-anyos ina ng fetus na itinapon at natagpuan kamakalawa sa damuhang bahagi ng GenSanville Subd., Brgy Bula sa lungsod.

Ito’y nang samahan ng kanyang tiyahin na si Lisa Enriquito ang mga pulis sa kanilang lugar sa J.P. Laurel, Malungon, Sarangani province upang arestohin si Meliton.

Ayon kay Enriquito, naawa siya sa pamangkin at gusto niyang tulungan na harapin ang nagawang kasalanan.

Nananatili pa si Meliton sa General Santos City Hospital dahil sa naranasang panghihina bunsod ng pagpapalaglag.

Pansamantala rin ikinulong ng Bula PNP ang amo niyang si Mary Grace Valera dahil hindi niya agad ini-report ang pagpapalaglag ng nasabing kasambahay, ngunit pinakawalan din ng mga pulis.

Sinasabing nagawa ni Mary Ann ang pagpapa-abort upang maiwasan ang eskandalo dahil hindi ang asawa niya ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *