Tuesday , December 24 2024

Demar Derozan darating sa ‘Pinas

DARATING sa bansa ngayon ang pambato ng Toronto Raptors sa NBA na si DeMar DeRozan para maging espesyal na panauhin ng NBA 3X Philippines 2014.

Makakasama ni DeRozan sa kanyang biyahe patungong Pilipinas ang manlalarong si Wesley Johnson ng Los Angeles Lakers, ang dance team ng Raptors at ang mascot ng Sacramento Kings na si Slamson the Lion.

Haharap sila sa mga manunulat bukas para sa 3×3 ng NBA na gagawin mula Hulyo 4 hanggang 6 sa SM Mall of Asia Music Hall at PICC Tent.

Pagkatapos ay makakasama ni DeRozan sina Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs, Blake Griffin ng Los Angeles Clippers, Paul Pierce ng Brooklyn Nets, Kyle Lowry ng Raptors at Damian Lilliard ng Portland Trail Blazers bilang miyembro ng NBA selection na haharap sa Gilas Pilipinas sa dalawang tune up na laro sa Smart Araneta Coliseum sa Hulyo 22 at 23.             (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *